Friday, August 1, 2014

mga kabihasnan

-KABIHASNAN NG MESOPOTAMIA-


  Matatagpuan ito sa rehiyon ng Fertile Crescent.  Ang salitang Mesopotamia ay nagmula sa mga salitang Greek na meso na ang ibig sabihin ay “pagitan” at potamos o “ilog”Nangangahulugang ang lupain sa dalawang ilog.  Dalawang ilog ang dumadaloy rito: ang mga ilog Tigris at Euphrates na parehong nagmula sa kabundukan ng Armenia at tumatagos sa Golpo ng Persia .Ang ilog Tigris at Euphrates ay nagiiwan ng matabang lupa na ginagamit naman sa pagsasaka. At nagsisilbi din silang daanan ng mga kalakal na patungong Golpo mula sa dagat Mediterranean. Sa Mesopotamia nahubog ang apat na kabihasnan: Ang Sumer, Babylonia, Akkad at mga Assyria.

 *HEOGRAPIYA*
Lugar kung saan matatagpuan ang FERTILE CRESCENT

 Ang pangalan ng Mesopotamia ay nagmula sa salitang Griyego n ang kahulugan ay "lupain sa pagitan ng ilog." Ang dalawang ilog na tinutukoy rito ay ang Ilog Tigris at Ilog Euphrates. Dahil sa matabang lupain at mainam na patubig mula sa ilog, bahagi ang Mesopotamia sa tinatawag na FERTILE CRESCENT nga mga lupain sa Kanlurang Asya.


BUSTO NI HARING SARGON/
SARGON THE GREAT

*MGA UNANG EMPERYO*

AKKADIAN
     Dulot ng madalas na pakikidigma ng mga lunsod-estado ng Sumer sa isa't-isa, humina ang kakayahan nilang pangalagaan ang kanilang teritoryo. Dahil Dito unti-unting nasakop ang mga lungsod ng Sumer ng kaharian ng Akkad na pinamumunuan ni Sargon the Great. Sa ilalim ng pamamahala ni Haring Sargon, lumawak ang nasakop ng Akkad at kinilala bilang unang Emperyo.


BABYLONIAN

Ang namuno sa Babylonia
 na si Hammurabi
   Sa Pagsapit naman ng 2000 BCE, isang panibagong pangkat ng mga mananakop ang naghari sa Mesopotamia. Sila ang mga Amorites na nagtatag ng kabisera sa Babylon 
( nangangahulugang pintuan sa langit). Sa pagitan ng mga taong 1792 hanggang 1750 BCE, nakamit ng imperyong Babylonian ang runok ng kapangyarihan sa pamumuno ni HAMMURABI. Makalipas ang dalawang siglo, nabuwag ang imperyo dahil sa pananalakay ng mga mananakop ng pastoralistang nomadiko.


ASSYRIAN
   Mula naman 850 hanggang 650 BCE, sinakop ng mga Assyrian ang mga lupain sa Mesopotamia, Egypt, at Anatolia. Isinaayos nila ang kanilang nasasakupan sa isang imperyo. Ang mga Lupaing malapit sa Assyria ay ginawang lalawigan at ang mga kaharian na kaalyado ng imperyo ay oinangalagaan ng hukbong Assyrian laban sa kaaway at mananalakay.

CHALDEAN
   Sa pagkatalo ng mga Assyrian, itinatag ng mga Chaldean ang kanilang kabisera sa matandang lungsod ng Babylon. Muling naging sentro ng bagong imperyo ang lungsod ng Babylon makalipas ang mahigit 1 000 taon nang una itong naging kabisera sa pamumuno ni Hammurabi.
Ang HANGING GARDENS na ipinagawa ni Nebuchadnezzar
   Naging tanyag na hari ng mga Chaldean si Nebuchadnezzar. Ito ay dahil sa ipinagawa niya ang "HANGING GARDENS" na itinuturing na isa sa SEVEN WONDERS OF THE ANCIENT WORLD. Ito ay isang bai-baitang na hardin na alay para sa kaniyang asawa na si Reyna Amyitis. Pagsapit ng taong 586 BCE, nasakop ng mga Persyano ang kaharian ng mga Chaldean


*RELIHIYON*

Ilan sa mga pinaniniwalaang diyos ng mga Sumeryano
  Ang mga Sumeryano ay maituturing na may politiestikong pananampalataya. Ito ay dahil pinaniniwalaan nilang pinamamahalaan ng mahigit 3000 diyos ang iba't ibang aspekto ng kanilang buhay. Ang pinakamakapangyarihan nilang diyos ay si "ENLIL", ang diyos ng hangin at mga ulap. Si Shamash naman ang diyos ng araw at nagbibigay ng kaliwanagan at si Inanna ang diyosa ng pag-ibig at digmaan. Ang pinakamababa naman sa antas ng mga diyos ay ang masamang Udug na pinaniniwalaan nilang tagapaghatid ng sakit, kamalasan, at gulo.


ANG KABIHASNAN SA EGYPT

    Sa kanluran ng FERTILE CRESCENT, sumibol ang isang kabihasnan sa pampang sa Ilog Nile. Kumpara sa mga lungsod-estado na nabuo sa MESOPOTAMIA, maagang naging kaharian ang Egypt kung kaya nakaranas ito ng matatag at natatanging kultura.

Ang malawak na Disyerto ng Sahara
Natatangi ang lokasyon ng Egypt sapagkat ito ay napapalibutan ng disyerto. Matatagpuan sa silangang hangganan ng Egypt ang Disyerto ng Sinai, sa Timog naman ay Disyerto ng Nubia, at sa Kanluran ay ang malawak na Disyerto ng Sahara. Sa gitna dumadaloy ang Ilog Nile at sa magkabilang pampang ng ilog nagtayo ng pamayanan ang mga Ehipsyo.


*SIMULA NG KABIHASNAN NG EGYPT*
 Sa simula, nahahati ang Egypt sa dalawang kaharian. Nabuklod laman ang dalawang kahariang ito sa ilalim ng pamumuno ni Menes noong 3100 BCE. Hinati ng mga historyador ang mga kaharian sa tatlo: ang Lumang Kaharian; Gitnang Kaharian; at Bagong Kaharian.

LUMANG KAHARIAN
 Sa panahong ito nagsimulang tawagin na paraon ang pinuno ng kaharian. Ang paraon ay itinuturing ding isang diyos ng mga tao kaya ganap ang kaniyang kapangyarihan sa buong Egypt. Bilang pinuno ng hukbo, tungkulin ng paraon na pangalagaan ang kaharian mula sa mga manananakop.
Haring Mentuhotep

GITNANG KAHARIAN
 Sa pamumuno ni Haring Mentuhotep II, muling napag-isa ang Egypt. Ito ay ang pagsisimula sa Gitanang Kaharian. Muling pinalakas ng paraon ang sentralisadong pamamahala gayundin ang kalakalan sa ibang lupain. Gayunman, ang panahong ito ay pinakilos ng mga maharlika kaya naman kilala rin ito sa katawagang "Panahon ng mga Maharlika."


BAGONG KAHARIAN
Ahmose I
 Nagsimula ang Bagong Kaharian sa paghahari ni Ahmose I. Binuo muli ni Ahmose I ang Egypt sa iisang kaharian sa ilalim ng kabisera ng Thebes. Muli niyang isinaayos ang pamahalaan at pinabukas niya ang mga minahan at mga rutang pangkalakalan. Sinakop din niyang muli ang Nubia at Canaan kaya tinagurian itong "Panahon ng Imperyo" ang pamunuan ng mga paraon ng Bagong Kaharian



*RELIHIYON*
 Katulad ng mga taga-Mesopotamia, ang paniniwala ng mga Ehipsiyo ay politeistiko. Umabot sa mahigit 2000 ang diyos ng gma Ehipsiyo. Ilan sa kanilang mga diyos ay si Ra, ang diyos ng araw; si Horus, diyos ng liwanag; at si Isis ang diyosa ng mga Ina at asawa.
Ilan sa mga diyos ng mga EHIPSIYO

Ilan lang sa mga diyos ng mga Ehipsiyo
Mula sa Kaliwa ay si Ra ang diyos ng araw; Horus, diyos ng liwanag; at Isis, ang diyosa ng liwanag


*PAGSULAT*
Papyrus Reeds
 Noong unang panahon ang mga Ehipsiyo ay nagsusulat lamang sa bato at luad, hanggang sa naimbento nila ang papel na mula sa "Papyrus Reeds"
Halimbawa ng Hieroglyphics

 Ang sistema ng kanilang pasusulat noon ay tinatawag na HIEROGLYPHICS.








KABIHASNAN SA INDIA

Heograpiya:

       Ang mga lungsod sa lambak ng Indus ang pinakabagong tuklas na mga sinaunang sentrong kabihasnan sa kasalukuyang panahon. Ang mga labi ng dalawang lungsod sa Indus River ay natagpuan ng mga arkeologo noong dekada 1920, ang lungsod na Mohenjo-Daro at Harappa. Ang mga lugar na ito, gayundin ang lipunang nabuo rito, ay kasabay halos ng pag-usbong ng Sumer noong 3000                                   B.C.E.
   Ang lupain sa Indus ay mas malawak kung ihahambing sa sinaunang Egypt at Mesopotamia sapagkat sakop nito ang malaking bahagi ng hilagang-kanluran ng dating India at ang lupain kung saan matatagpuan ang Pakistan sa kasalukuyan. Sa kasalukuyan, tinatayang mahigit sa 1000 lungsod at pamayanan ang natatagpuan dito, particular sa rehiyon ngIndus River sa Pakistan.

Antas ng Tao sa Lipunan:
   Ang mga Aryano ang nag nagpasimula ng sisteamang kasta (caste system) na ang layunin ay ihiwalay ang mga Aryano sa mga nasakop nilang Drabidyano. Sa Simula, nahati lamang sa tatlong ang uri ng mga tao sa lipunang Aryano. Una ay ang mga Brahmin na binubou ng mga kaparian, mga Kshatriya na binubou ng mga pinuno at mga mandirigma, at ang mga Vaishya na binubuo ng mga mangangalakal at magsasaka.

Panitikan: 
   Sa larangan ng panitikan, dalawang dakilang epiko ang nagmula sa India - ang MAHABHARATA at RAMAYANA. Tinatayang nabuo ang MAHABHARATA noong 1000 hanggang 700 B.C.E. Ito ay naglalaman ng 90 000 taludtod at itinuturing na isa sa mga pinakamahabang tula sa buong mundo. Inilalahad nito ang digmaan na pinamumunuan ng limang magkakapatid na Pandavas na sina Dharmaputra, Bhima, Arjuna, Nakula at Sahadeva.
    Samantala ng RAMAYANA naman ay nasa anyong patula rin. Inihahalad sa epikong ito ang buhay ni Haring Rama at ng kanyang asaw na si Sita. Ayon sa salaysay, dinukot si Sita ng pinunong si Ravana. Dahil dito nakipaglaban si Rama upang mabawi si Sita.


KABIHASNAN sa CHINA

Heograpiya:
   
Ilog ng Huang Ho at Yangtze
Sa lambak sa pagitan ng Huang Ho at Yangtze sumibol ang mga unang pamayanan sa China. Ang hangganan ng lambak sa Hilaga ay ang Disyerto ng Gobi at sa silangan naman ay ang Karagatang Pasipiko.  Ang mga Kabundukan ng Tien Shan at Himalaya ang nasa kanluran ng lambak at sa katimugan naman ay ang mga kagubatan ng Timog-Silangang Asya. 



Mga Sinaunang Dinastiya:

Yu


Dinastiyang Hsai - Ayon sa tradisyonal na kasaysayan ng China, pinag-isa ngDinastiyang Hsai ang pamayanan sa paligid ng Huang Ho. Angunang hari nito ay si Yu na isang inhenyero at Matematiko. Sa pamumuno ni Yu, Nagsigawa ang mga Tsino ng mga proyektong pang-irigasyon na hahadlang sa mapaminsalang pagbaha sa ilog.
Shang





Dinastiyang Shang - Pumalit ito sa Dinastiyang Hsai noong 1500 BCE. Ang tatlong pangunahing katangian ng pag hahari ng mga Shang ay ang pag-uumpisa ng pagsulat, kaalaman sa pagamit ng Bronse, at ang pagaantas  sa lipunan.


Zhou



Dinastiyang Zhou - Noong Taong 1027 BCE, napatalsik ng dinastiyang Zhou ang   dinastiyang Shang. Bilang pagpapatibay ng kanilang pamamahala, ipinagpatuloy nila ang konsepto ng "Tian Ming" o "Mandato ng Langit" na ang hari ang kinikilalang kinatawan ng langit sa mundo.




Qin









Dinastiyang Qin - Ang nag tagumpay sa nagdidigmaang estado na pumalit sa     Dinastiyang Zhou. Tinawag ng pinuno ng Qin ang kanyang sarili na Shi Huangdi na nangangahulugang unang emperador.







*Ang kabihasnan ng Asya*




*Ang Mga Hitito*




Noong 1650 BCE,nabuoagn imperyo ng Hitito at itintag nila an gang lungsod ng Hattasuss.Sa loob ng 450 taon nagging makapangyarihan ang mga Hitito sa Kanlurang Asya.
Dalawa ang kanilang susi sa tagumpay sa digmaan ang una ay ang paggmit nila ng mabilis na chariot at ang ikalawa ay ang kanilang kaalaman sa pagpapanday ng bakal upang gawing pana,palaso,palakol.at espada.
Marami ring hiniram asng mga taga Hititu mula sa mga tag
mesopaotamia sa laranga ng panitikan,sining
wika,politikaat mga batas halimbawa nito ay ang wikang
AKKADIAN naginamit sa diplomasya pero gaun paman hindilahat ng kanilang hiniram ay tinanggap nila ng lubosan.









*Ang Mga Phoeniciano*




Ang mga Phoeniciano ay kabilang sapangkat ng lahing
Semitiko.
Mahusay silang gumawa ng mga
barko,manlalayag,at,mangangalakal na natatagng mga estrtehikong lungsod na may daugnan ulad ng Sidon,Tyre,Beirut ,at Babylos.Bagama’t hindi naigng isang imperyo ang mga unang lungsod ng mga Phoeniciano,nagpadala naman sila ng mga tao upang magtatag ng mga kolonya sa Italy,Africa,at Spain.
Bkal,Garing,atPurple Dye na mula sa murex snail naman ang mga produkto na kanilang ikinakalakal at nakikipagpalitan din sila ng mga alipin.

Ang alpabeto naman ng Phoeiciano ay simple lang at nakabase sa ponetikoat bawat titik ay may katumbas na tunog.











*Ang Mga Persyano*




Nagmula ang makapangyarihang imperyo ng Persia sa malawak na talampas ng kasalukuyang Iran.
Kabilang ang mga Persyano sa lahi ng mga Indo-Aryano.
Sumailalim sa makapangyarihang imperto ng Assyria ang Persia hanggang sa taong 612 BCE.
Tinalo nila ang imperyo ng Assyria at sa pananakop.
Cyrus the Great dahil sa kanya lumawak ang imperyo ng Persiamula lambak-ilog ng Indus hanggang baybayin ng dagatAegean.
Noong 525 BCE matagumpay na nalupig ng tagapagmana ni Cyrus na si Cmbyses II ang mga kaharian ng Egypt at Libya saAfrica.

Nang pmalit si Haring Daruis lalo nyang napalawak ang kapangyarihan ng Persia noong 521 hanggang 485 BCE at sinakop din nang kanyang hukbo angThrace at Macedonia na bahagi ngEurope.











*Pamahalaan*


Hinati nila sa 20 satrapy o lalawigan ang kanilang teritoryo.pinamumunuan ang bawat satrpy ng isang satrap o gabernador na hinirang na hari.

Nagpagawa sila ng Royal Road na may habang 2 400 kilometro at ang hangganan ay mula Susa (bahagi ng Iran) patungong Sadris(bahagi ngTurkey) na matatagpuan sa kahabaan ng naturang daanang mahigit sa 100 supplt stations at himpilan na tumutulong sa mga manlalakbay.









*Relihiyon*


Katulad ng mga Aryano sa India ngunit noong 600 BCE ipinahayag ng propetang si Zoroaster na may iisang diyos lamang at ang diyos na ito ay tinatawag niyang Ahura Mazda na kalinawagan at katotohanan pero bukod kay Ahura Mazda may espiritu ng kasamaan na kinilala bilang si Ahriman.




*Ang Kabihasnan sa America*




*Ang Mga Olmec*






Ang mga Olmec o taong goma(rubber people) ang mga pamayanan na naninirahan sa baybayin ng Golpo ng Mexico noong 1200 BCE.
Ang kanilang naimbaento at nilikhang mga kasangkapan at kaalaman ay hiniram at ginamit an mga sumunod na kabihasnan.
Ang mga ninunu nila ay nagpatayo ng mga templo na hugis piramide at sa tuktuk ng mga templong ito nagaganap ang mga seremonyang pangrelihiyon.
Hanggang sa kasalukuyan hindi pa rin natutuklasan ang paraan ng pagbasa sa sistema ng pasulat ng mga Olmec.




*Ang Mga Teotihuacano*


Matatagpuan sa lambak ng Mexico ang mga tinaguriang “Lupain Ng Mga Diyos” o Teotihuacano.
Kinilala bilang unang lungsod ng America.
Mula 100 CE ang lugar na ito ay nagging sentro nang mga magsasaka,aristano,arkitekto,at musikero.
Ang kanilang mga tahanan ay napapalamutian ng mga guhit ng ibon,jauar,at mga sumasayaw na diyos; ang kanilang diyos na si Quetzalcoatl ang ngabiay sa tao ng kaalaman sa pagsasaka,pagsusulat,palikha ng kalendaryo,paggawa ng mga likhang-sinig at paggawa ng mga batas.




*Ang Mga Mayan*




Mula sa mga pamayanang nagsasaka na nagtayo ng mga sentrong panrelihiyon para sa kanilang diyos.Mula rito lumaki ang mga pamayanan at naging mga lungsod tulad ng Tikal,Copan,,Uxmal,at
Chichen Itza na matatagpuan sa katimugang mexic at sa Gitnang America.

Hianti ang kanilang lipunan sa apat ang una ay ang halach uinic ang pununo ng lungsod na siya ring pinuno ng hukbo,samantala ang pangalawa naman ay ang Ah Khin Mai kasama rin nila ang mga pari a pagsasagawa ng mga pag-aalay,seremonya,at ritwal para sa mabuting ani okaya ay tagumpay sa digmaan,ang pangatlo naman ay ang mga magsasaka sila at nagtatanim ng mga mais,butil,kalabasa,at,mga bulak,ang huli naman ay ang mga alipin na nag bubungkal ng lupain sa mga bukirin.


*Kabuhayan*




Pagsasaka ng mais ang pangunahing kabuhayan ng mga Mayan pero matroon din silang industriya ng paghahab ng tela,pagpapalayok,at pag-ukit sa jade,obsidian,kahoy,kabibe,at bato at ang mga produktong kanilang nagawa ay ikinakalakal sa ibang mga lungsod.


*Relihiyon*




Poliliestiko an mga Mayan dahil naninniwala sila sa maraming diyos na namamahalasa kanilang buhay.Sumasamba sila sa pamamagitan ng pag-aalay ng pagkain,bulaklak,at insenso,may pagkakataon din na nag-aalay sila ng tao sa mga cenote,isang malalim ng na balon,bilang sakripisyo sa kanilang mga diyos.




*Ang Mga Aztec*




Nag mula sa hilagan Mexicoang mga nomadikong Aztecna kilala rin sa tawa na Mexica.
Noong 1200,nagsilbi ang mga Azteec bilagn mga sundalo sa maliit na lungsod-estadoa sa lambak ng Mexico.
Noong 1325 nang maitatag ang mga Aztecang kanilang kabisera sa Tenochtitlan,sa pagsapit ng ika 15-siglo ganap nang napasailalim sa imperyong Aztecang kabuuanng gitnang Mexico,mula Dagat Caribbean hanggang Karagatang Pasipiko.


*Lipunan*




Nahati tatlong sa tatlong antasang lipunang Aztec
Una sa mga ito ay ang mga Maharlikana kinabibilangan ng mga pamilya ng hari ,kaparian,at ang mga pinuno ng hukbo,ang ikalawa naman ay ang ordianryong tao tulad ng mga magsasaka,mangangalakal,sundalo,at artisano,ang pinakamababang antas naman sa lipunang Aztec ay ang alipin.


*Relihiyon*




Sa lungsod ng tenochtitlan matatagpuan ang mga templo para sa maraming diyos ng mga Aztec kabilang sa mga diyos nila
Ay sina Tlaloc,Huitzilopochtli,Quetzalcoatl at Tezcatlipoca.Naniniwalan silang kailangang alyan ng buhay ng tao ang diyos,kayamadalas silang nangangailangan ng iaalay sa kanilang mga diyos.




*Ang mga Inca*


Sa South America sumibol ang isang kabihasnan at imperyo sa sumakop sa malaking bahagi ng kabundukang Andes.
Nagsimula lang sila sa sa isang maliit na pamayanan sa lambak ng Cuzcoang mga Inca dahil sa kanilang pinuno na si Pachacuti Inca lumawak ang kanilang nasasakupan ng mga Inca at nakabuo ng isang imperyo at tinawag niya itong Tahuantinsuya(Land of the Four Quarters) ang imperyo ito ay ang :


Chinchasuyu-lupain sa hilagang Cuzco tulad ng Equador athilagang Peru.


Antisuyu-lupain sa silangang Cuzco hanggang sa kagubatang Amazon.


Contisuyu-lupaing ng kanlurang Cuzco hanggang sa baybayin ng Peru.


Collasuyu-lupaing ng timog Cuzco hanggang sa Bolivia,Argentina,at Chile.


*Pamahalaan*




Ayullu ang pamahalaan ngmga taga Inca dahil ito daw ay ang pagtutulungan ng mga pangakat para sa ikabubuti ng lahat


*Relihiyon*


Ang pinaniniwalaan ng mga Inca ay si Viracocha dahil siya daw ang tagapalikha ng mundo,pero mas sinasamba ila ang diyos ng araw na si Inti dahil ang kanilang emperador ay inapo ni Inti.




*Kabuhayan*






Hinati ito sa lipunanan para sa hari,sa relihiyon,at sa mga mamayan.Nagtatanim ang mga Inca ng patatas,maisat kamoteng kahoy sa dalisdis ng mga bundok na ginawa nilang hagdan-hagdang palayan.




*Ang kabihasnan ng Africa*






*Ang Mga Kushite*




Sa katimugan ng nubia matagtagpuan ang imperyo ng Kush,bagamat pinagharian sila ng mga Ehipsyo mula ika-16 na siglo at ika-15 na siglo BCE.
Ngunit unti-unting nakamit ng Kushite ang kailang kalayaan sa tulong ni Haring Pianki.




*Ang Mga Akusmite*





Ang Aksum ay pinasimulan ng anak ng Reyna Shebaat ni Haring Solomon ng Israel at ito ay matatag puan sa hilagang-silangan bahaggi ngAfrica.
Ang pgunahin nilang kinabubuhay ay ang pangangalakal.



*Ang Mga Ghana*





Ang mga mamamayan ng Ghana ay tinatawag na Soninke ang pangunahing ikinabubuhay ng mga Soninke ay ang pagsasaka at pagpapanday at unti-unti silang lumago dahil sa lokasyon itobilang isang sangadaan na kalakalan saAfrica.




*Ang Mga Mali*




Ang mga Mali ay lumitaw sa anino ng Ghana,nagbunsod ito sapaglipat ng caravan mula ghang patungo sa kanilang kaharian.


*Ang Mga Songhai*





Pgasapit ng ika-14 na siglo isang pangkat ng mga Mali ang humiwalay at bumuo ng isang hukbo at si Sunni Ali ang kanilang naging pinuno at taglay niya ang kaalaman sa military at agresbong pamumuno pero noong 1591 sinakop ng mga Moroccan ang kanilang imperyo gammit ang kanyon at baril at tuluyan ng nasakop ng Moroccan ang imperyo ng Songhai.


*Ang Mga Huasa*




Ang mga Huasa ay dating sakop ng mga Songhai ngunit nakamit lamang nila ang kanilang kalayaan sa nang humina ang imperto ng Songhai.
Matagtagpuan sa hilagang Nigeria ang mga itinayo nilang mga lungsod kagaya ng Kano,Katsina,atZazzua.


*Ang Mga Benin*



Itinayo ito sa pangpang ng Ilog Niger at dahil sa tulonh ng kanilang hari na si Hring Ewuare napalawak nila ang kanilang teritoryo.





*Ang Kabihasnan ng Pasipiko*




*Ang mga Polynesia*


Ang Polenisya ay galling sa salitang Griyego na ang ibig sabihin ay maraming pulo.
Ang rehiyon ng Polenisya ay binubuo ng sanhigit sanglibong pulo mula Gitnang Pasipiko hanggang sa New Zealand.
Ang mga katutubo na naninirahan sa Hawai ay sanay sa klimang trpikal at ans sa New Zeaandnaman ay sanay sa klimang mahalumigmig.


*Ang Mga Micronesia*



Ang Micronesia ay ang pinakamalapit sa Pilipinas ang pangalan nito ay halaw sa salitang griyego na ibig sabihin ay maliit na pulo.
Bahagi rin ito ng Oceania na matagtagpuan sa silangan ngPilipinas,Indonesia,at Papua New Guinea


*Ang Melanesia*



Ang Melanesia ay matagatagpuan sa kanlurang Pasipiko at ang pangalan nito ay halaw sa salitang Griyego na ang ibig sabihin ay maitim na pulo dahil ang mga pulo ng ang mga tao na nakatira sa Melanesia ay mga maiitim na tao.




































No comments:

Post a Comment