Wednesday, March 11, 2015







 Kahalagahan ng Nakaraan (Prehistoriko at World War 2)





Courtesy of Google

Ang kasaysayan ng mundo, sa popular na salita, ay ang kasaysayan ng tao, mula sa paglitaw ng Homo sapiens hanggang sa kasalukuyan. Kung kaya't tinatawag din itongkasaysayan ng tao o kasaysayang pantao, na sa madaling sabi ay ang kasaysayan ng tao magmula sa pinaka maagang mga kapanahunan hanggang sa kasalukuyan, sa lahat ng mga pook sa ibabaw ng Mundo, na nagsisimula sa Panahong Paleolitiko. Hindi kasama rito ang hindi pantaong likas na kasaysayan at kasaysayang heolohikal, maliban na lamang dahil sa may kahalagahan ang pagkaapekto ng likas na mundo sa buhay ng mga tao. Kabilang sa kasaysayan ng mundo ang pag-aaral ng nakasulat ng mga tala o rekord, magmula sinaunang panahon pasulong, pati ang karagdagang kaalamang nakamit magmula sa iba pang mga mapagkukunan, katulad ng arkeolohiya. Ang sinaunang naitalang kasaysayan ay nagsisimula sa pagkaimbento, na hiwa-hiwalay ang pagsisimula sa ilang mga lugar sa Mundo, ng pagsusulat, na lumikha sa imprastraktura (saligan at pamamamaraan) para sa nagtatagal at tumpak na paglilipat o transmisyon ng mga alaala, at sa ganitong paraan pati na ang pagpapakalat at paglaki ng kaalaman. Subalit, ang mga ugat ng kabihasnan ay umaabot na pabalik sa kapanahunan bago pa ang pagsusulat — ang prehistorya (panahon bago ang nakasulat na kasaysayan) ng sangkatauhan.
Courtesy of Google
Ang prehistorya ng tao ay nagsimula noong Panahong Paleolitiko, o "Maagang Panahon ng Bato". Sa paglaon, noong Panahong Neolitiko (Bagong Panahon ng Bato), dumating ang Rebolusyong Pang-agrikultura (sa pagitan ng 8000 at 5000 BCE) sa Matabang Gasuklay, kung saan unang nagsimula ang mga tao ng masistemang pagsasaka ng mga halaman at pag-aalaga ng mga hayop. Lumaganap ang agrikultura sa kanugnog na mga rehiyon at umunlad na mag-isa sa iba pang mga lugar, hanggang sa ang mga tao ay naninirahan na bilang mga magsasaka sa pamalagiang mga maliliit na mga pamayanan.Ang kaukol na seguridad at tumaas na produktibidad na nailapat ng pagsasaka ay nagpahintulot sa mga pamayanan upang kumalat. Lumaki sila na anging lalong tumataas na mas malalaking mga yunit na kaalinsabayan ng ebolusyon ng mas mabisa pang mga pamamaraan ng transportasyon.
Ang sobrang mga pagkain ay nakapagdulot ng paghahati ng mga gawain, ng pagkakaroon ng mga taong nasa mataas na uri ng lipunan, at ang pagkakaroon at pag-unlad ng mga lungsod at kasama nito ang kabihasnan. Ang lumalaking kasalimuotan ng mga lipunan ng tao ay nangailangan ng mga sitema ng pagkukuwenta, na humantong sa pagsusulat.
Nagkaroon ng mga kabihasnan sa mga pampang ng mga katawan ng sariwang tubig (mga lawa at mga ilog) na nakapagbibigay ng buhay. Sa pagsapit ng 3000 BCE, nagsimula sila sa Mesopotamia (ang "lupain na nasa pagitan ng mga Ilog Euphrates at Tigris) ng Gitnang Silangan, sa mga pampang ng Ilog Nilo ng Ehipto,] at sa lambak ng Ilog Indus. Ang kahalintulad na mga sibilisasyon ay maaaring nagsimula at umunlad sa kahabaan ng mga ilog sa Tsina, subalit ang katunayang pang-arkeolohiya para sa malawig na pagtatatag na urbano ay hindi gaanong matiyak.
Partikular ang kasaysayan ng Lumang Mundo (Europa, ngunit pati na rin ang ng Silangang Malapit at Hilagang Aprika) ay pangkaraniwang hinahati sa Sinaunang kasaysayan oKalaunan, magpahanggang sa 476 CE; ang Gitnang Kapanahunan, magmula ika-5 hanggang sa ika-15 mga daantaon, kasama ang Ginintuang Panahong Islamiko (c. 750 CE – c. 1258 CE) at ang maagang Renasimyento sa Europa; ang Maagang Modernong panahon,magmula ika-15 daantaon hanggang sa hulihan ng ika-18 daantaon, kabilang ang Panahon ng Pagpapaliwanag; at ang Panghuling Modernong panahon, magmula sa Rebolusyong Industriyal hanggang sa kasalukuyan, kasama ang Kasaysayang Kontemporaryo.
Sa Europa (at sa mga kasaysayang Kanluranin, ang pagbagsak ng Kanlurang Imperyo ng Roma (476 CE) ay pangkaraniwang itinuturing bilang tanda ng wakas ng Sinaunang panahon at siya namang simula ng Gitnang Panahon, kung kailan (noong bandang taon ng 1300) nagsimula ang Renasimyentong Europeo Noong kalagitnaan ng ika-15 daantaon, ang pagkaimbento ni Johannes Gutenberg ng modernong paglilimbag, na gumamit ng tipong naigagalaw, ang nagpausad ng rebolusyon ng komunikasyon, na tumulong sa pagwawakas ng Gitnang Panahon at nagpasimula sa makabagong kapanahunan at sa Himagsikang Pang-agham. Sa pagsapit ng ika-18 daantaon, ang pagkakaipon ng kaalaman at teknolohiya, natatangi na sa Europa, ay umabot sa isang masang kritikal na nagdala ng Rebolusyong Industriyal.Sa ibang mga bahagi ng mundo, katulad ng sinaunang Silangang Malapitsinaunang Tsina, at sinaunang India, magkakaiba ang paglaladlad ng mga pangkasaysayang mga guhit ng kapanahunan. Subalit, sa pagsapit ng ika-18 daantaon, dahil sa malaganap na pandaigdigang kalakalan at kolonisasyon, ang kasaysayan ng karamihan sa mga kabihasnan ng mundo ay naging mahigpit ang pagkakatali sa bawat isa. Sa loob ng huling ikaapat na bahagi ng milenyo, tumulin ang paglaki ng kaalaman, teknolohiya, komersiyo, at ng potensiyal na pagiging mapangwasak ng digmaan, na lumikha ng mga pagkakataon at panganib na kasalukuyang humaharap sa mga pamayanan ng tao na naninirahan sa mundo.
(Courtesy of http://tl.wikipedia.org/wiki/Kasaysayan_ng_mundo)



Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig maraming Pilipino ang naghirap nang dumating sa Pilipinas ang mga Hapones. Pinlano nilang maging bahagi ng kanilang bansa ang Pilipinas at maging alipin tayo sa kanila. Pinahihirapan ng mga Hapones ang mga Pilipino noong dumating ang hukbong Hapones ang Pilipinas. Isa sa halimbawa ng paghihirap na ginawa ng Hapones sa Pilipinas ay ang paggawa ng Death March na palakarin lamang ng Hapones ang mga Pilipino sa Bataan hanggang Pampangga,kasali sa Death March ang ilang sundalong Amerikano. Sa Death March, marami ang namatay sa kanilang paglakad dahil sa mga kanal na ininum ng mga tao kapag sila’y nauuhaw at marami din ang namatay dahil sa pagod at hirap. Ang pag-Open City naman sa Manila ay nagging dahilan para makontrol ng Hapones ang Manila at ibang bahagi ng Pilipinas. Kaya napakasaya ng mga tao noong dumating si Heneral McArthur at binomba ang mga lugar na kung saan maraming sundalong Hapones ang nandoon. At sa pagkatapos ng digmaan, unti-unti nang nakabangon ang mga Pilipino at unti-unti din silang nakapag-move-on sa nangyari noong WW2(1941-1945). At kung sakaling kasali ang Pilipinas sa panibagong digmaan ay hindi pa ito handa dahil sa kakulangan sa armas at mga sundalo natin dito sa Pilipinas. Hindi rin magkakaisa ang mga Pilipino sakaling merong digmaan dahil nakita ko sa kasalukayan ang pag-aaway ng mga Pilipino laban sa kapwa Pilipino, nakita ko din sa kasalukuyan, ang mga baboy na goberno natin na mas iniisip ang kanilang mga kayaman at reputasyon kesa sa mga taong bayan. Dahil sa mga nagaganap sa kasalukuyan, hindi pa handa ang mga Pilipino sa sakaling digmaan.
Courtesy of Google






Cher paki-tan-aw lang cher PLEASE!!
https://www.youtube.com/watch?v=H72Qs6paAxs